GMA Logo Zeinab Harake
Celebrity Life

Zeinab Harake, "low-key but not private" sa bagong lovelife

By Nherz Almo
Published September 13, 2022 10:00 PM PHT
Updated September 13, 2022 9:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Zeinab Harake inilarawan bilang bangungot ang nakaraang relasyon niya sa rapper na si Skusta Clee.

“Bangungot po talaga sa akin 'yon, sobrang bangungot.”

Ganito inilarawan ng social media superstar na si Zeinab Harake ang pinagdaan niya matapos ang paghihiwalay nila ng dating boyfriend, ang rapper na si Skusta Clee.

Sa ginanap na media launch ng ineendorso niyang produkto ng BeutéDerm noong nakaraang linggo, inamin ni Zeinab malaki ang naging epekto ng nakaraang relasyon sa kanyang mga plano sa buhay

Aniya, “Kapag naiisip ko siya, talagang parang bumabalik ako sa posisyon na 'yon. So, hindi pa po talaga ako makapag-focus. Mukha akong okay and happy every time sa harap ng lahat, pero 'yung one thing na hindi ko maibalik ngayon is 'yung focus ko siguro.

“Dati, kaya kong mag-vlog ng limang content sa isang araw. Ngayon, sa isang linggo, dalawang vlogs, hirap na hirap ako.

“Ang dami kong iniisip at lalo na po mag-isa lang ako at hindi ko naman inaasa kahit kanino ang mga problema ko. So, mas iniisip ko ngayon na masolusyunan ang mga bagay na kailangan ko munang harapin bago ako mag-jump sa mga dapat ko pa pong gawin. Bata pa naman po ako, marami pa pong taon… kailangan ko lang mag-heal nang totally para makabawi sa sarili ko.”

Ang karanasan niyang ito umano ang dahilan kaya napili niyang maging tahimik muna tungkol sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi ni Zeinab, sa love life naman, okay lang na malaman, e, ng kahit sino. Basta as long as private pero hindi mo tinatago, okay na ako sa ganung setup. Ang hirap nang lahat nilalantad mo sa media. Ang daming nakikisawsaw po, ang daming comments. Hindi 'yun naging okay sa mental health ko before.”

Dagdad pa niya, “Natuto na ako ngayon--lowkey but not private po. So, meron, happy ako ngayon!"

Walang ibinigay na anumang detalye si Zeinab tungkol sa bago niyang lovelife. Sa halip, sinabi lamang niya na, “Ngayon happy ako, sobrang thankful naman ako. After lahat ng pinagdaanan ko, may ibibigay si God na talagang mas lalong makakapagpa-okay sa 'yo.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG SEXIEST PHOTOS NI ZEINAB SA GALLERY NA ITO: