Celebrity Life

Kris Bernal opens up about the lessons she's learned after a year of being married

By Maine Aquino

Isang taon pagkatapos ikasal si Kris Bernal kay Perry Choi, ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan sa buhay may asawa.

Ikinasal si Kris kay Perry noong September 25, 2021 pagkatapos nang ilang beses na pagkaka-postpone dahil sa COVID-19.

Sa kanilang anniversary vlog, ibinahagi ni Kris ang kanyang natutunan sa pagiging maybahay.

PHOTO SOURCE: krisbernal

Kuwento ni Kris, na-realize niya kung gaano siya naging ka-dependent sa kanyang mommy.

"I was very dependent sa mommy ko. As in in my 33 years of existence, lahat ng decisions ko in life, in all aspects Mommy ko talaga 'yung naging sandalan ko."

Ngayong may asawa na siya, napansin niya ang ilang mga bagay na hindi niya raw kayang gawin.

Saad ni Kris sa vlog, "When I got married, siyempre nag-transition na ako from being single to married. Na-realize ko na ang dami kong hindi kayang gawin. Nahiya ako for Perry kasi hindi ko kayang mabuhay on my own kasi nga I was so dependent to my mom."

Dugtong pa ni Kris, "I never experienced living alone. I never experienced living with a partner, never ako nag-live in talagang nasa poder lang talaga ako ng Mommy ko."

Nilinaw naman ni Kris na natututo na siya sa tulong na rin ni Perry. Kuwento pa niya, bilib siya sa kanyang asawa.

"Natututo-tuto naman ako unti-unti. Ayoko rin kasing ma-disappoint ka na parang wala akong kwenta kasi ginagawa niya talaga lahat ng tasks for me.

"Ang galing talaga ni Perry. Marunong siya sa gawaing bahay... siya naglalaba, siya bumibili ng mga kailangan sa bahay."

Isa pang natutunan raw ni Kris ay ang pagbili ng mga bagay na kailangan lang nila at 'yung may halaga sa kanya.

"Hindi na ako masyadong magastos sa mga luho ko. Binibili ko na rin lang talaga 'yung kung ano 'yung tatagal, kung ano 'yung worth it, kung ano 'yung kailangan sa bahay. Natuto akong maging minimalist kasi 'yung asawa ko sobrang simple. Walang kaarte-arte sa katawan."

Pagdating naman sa pagdedesisyon, ibinahagi ni Kris ang kahalagahan ng communication at pagdedisisyon para sa kanilang dalawa.

Ani Kris, "It's not just about me, talagang kayong dalawa na."

Panoorin ang vlog ni Kris kasama si Perry dito:

SILIPIN ANG MAGANDANG WEDDING PHOTOS NINA KRIS AT PERRY DITO: