
Apat na taon nang magkarelasyon sina Kapuso stars Ruru Madrid at Bianca Umali.
Sa podcast interview ng "Surprise Guest with Pia Arcangel," ikinuwento ni Ruru kung paano napabago ang buhay niya dahil kay Bianca.
Photo by: rurumadrid8 (IG)
Ayon kay Ruru, sa limang taong pagsubok na dumating sa career niya, si Bianca ang naging sandalan at inspirasyon niya.
"The first year, iyon 'yung year na parang I always go out, gumigimik. And I felt na parang doon sa one year na 'yun, ang dami kong naging kaibigan but I realized na kapag lumalabas ka, not all people na nakakasama mo sa gimik ay matuturing mo na kaagad na kaibigan," pagbabahagi ni Ruru.
Pagpapatuloy niya, "After one year nagkaroon ako ng realizations... wait ayoko nang lumabas. Hanggang sa sabi ko, 'I need someone na makakatulong sa akin.' Then dumating si Bianca sa buhay ko. I stopped everything. I stopped going out, kumbaga mas nag-focus ako sa career ko. Tinry ko 'yung best ko na ibalik 'yung dating ako."
Minsan na rin daw dumating sa punto ng buhay ni Ruru na pinanghinaan siya ng loob dahil sa lagay noon ng kanyang showbiz career.
"Pero lahat si Bianca naroon siya nu'ng mga panahon na 'yun. Nu'ng mga panahon na umiiyak ako, na parang pakiramdam ko walang nangyayari sa akin, sa career ko. But sa kanya nakikita ko... like lahat ng projects ni Bianca nagwo-work. Lahat kumbaga sobrang gaganda ng mga project na ginagawa niya.
"Parang siya 'yung naging sandalan ko. Kapag umiiyak ako, siya 'yung tagasalo lahat ng mga problema ko," sabi niya.
Photo by: bianxa (IG)
Pinanghawakan din ni Ruru ang sinabi sa kanya ni Bianca noong panahong dumaan din sa pagsubok ang paggawa ng Lolong dahil sa pandemya.
"And then dumating 'yung Lolong, lagi kaming nade-delay. Siya lang 'yung nagpapalakas ng loob ko na 'Tandaan mo 'tong sasabihin ko sa 'yo. Someday dadating 'yan sa 'yo. Hindi man ngayon pero dadating 'yan sa 'yo dahil alam ko na ibinibigay mo 'yung puso mo sa bawat ginagawa mo.'
"Pinanghawakan ko 'yung sinabi niya sa akin. She said, 'Kailangan mo Ru na mag-grow nang mag-isa. I mean, nandito ako pero kailangan mo ring matutong maging mag-isa.' Nu'ng sinabi niya sa akin 'yun, iyon 'yung time na parang nag-explore ako. Like I went to this place na one week straight na naroon ako doing some healing and doing yoga. I'm doing lots of things na makakatulong sa akin para maibalik sa akin 'yung confidence ko," kuwento ng aktor.
Samantala, huwag palampasin ang season finale ng Lolong ngayong September 30, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU MADRID AT BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: