GMA Logo Rufa Mae Quinto
Photo by: rufamaequinto (IG)
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, muling nakasama ang asawa sa Amerika

By Aimee Anoc
Published October 27, 2022 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Muling nakasama ni Rufa Mae Quinto ang asawang si Trevor Magallanes sa Amerika.

Balik-Amerika ngayon si Rufa Mae Quinto matapos ang anim na buwang sunod-sunod na proyekto sa Kapuso Network para makasama ang asawang si Trevor Magallanes.

Matatandaang noong Abril ay opisyal na pumirma ng kontrata ang sexy comedienne sa Sparkle GMA Artist Center nang magbalik sa Pilipinas matapos ang pansamantalang paninirahan sa Amerika.

Sa Instagram, ipinakita ni Rufa Mae ang masayang pagkikita nila ng asawa kasama ang 5-year-old daughter nilang si Alexandria Athena.

"Back to each other's arm of our love that's waiting there," sulat ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "We go go go back in San Francisco Bay Area with Dada [Trevor Magallanes], after working very very good and harder. Quality family time naman d'yan."

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Ikinuwento rin ni Rufa Mae ang tuwa ni Alexandria nang muling makasama ang ama. Aniya, "Super scream sa saya si [Alexandria Athena]. Todo na 'to!"

Masaya rin ang ilang celebrity friends ni Rufa Mae para sa muling pagkikita nilang mag-asawa.

"So happy for you 'te peach! See [you] soon," sabi ni Kakai Bautista.

"Ayiiiiii," dagdag naman ni Cai Cortez.

"Sooooo sweet," komento ni Cristina Gonzalez-Romualdez, na may kasamang heart emoji.

Noong Hunyo, napanood si Rufa Mae sa unang family sitcom ng GTV, ang Tols, kung saan nakasama niya sina Betong Sumaya, Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman.

Samantala, kasama ang sexy comedienne sa cast ng 2022 Metro Manila Film Festival entry na The Teacher, na pagbibidahan nina Eat Bulaga host Joey De Leon at TV host na si Toni Gonzaga.

TINGNAN ANG ADORABLE MOTHER-AND-DAUGHTER PHOTOS NINA RUFA MAE QUINTO AT ALEXANDRIA ATHENA RITO: