GMA Logo Ken Chan
Celebrity Life

Ken Chan, inaming maraming beses na siyang na-'ghost'

By Abbygael Hilario
Published November 4, 2022 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Sa podcast interview ni Nelson Canlas, ibinahagi ni Ken Chan ang dahilan kung bakit siya palaging biktima ng "ghosting."

Sa showbiz podcast ng GMA News and Public Affairs na 'Updated with Nelson Canlas,' ibinahagi ni Ken Chan ang mga "nakakatakot" niyang karanasan pagdating sa kaniyang love life.

Ayon sa Kapuso hunk, maraming beses na siyang na-'ghost.'

Aniya, "Maraming beses kuya maraming beses na. Ako 'yung iniwan. Maraming beses na ko. Most of the time...lagi nilang sinasabi kuya ano wala daw akong time."

Ito rin daw ang dahilan kung bakit nananatiling single ang Kapuso actor.

"Which is totoo. Kaya din ako natatakot kung bakit wala akong karelasyon ngayon. It's because takot ako e, natakot na ako e. Para akong nagkaroon ng phobia kuya Nelson na iwan ulit ng dahil sa time.

"Alam ko kung gaano ako ka-busy na tao dahil sa business na ginagawa ko, dahil sa career ko sa showbiz, so 'yon. Kaya ilang beses po ako na-ghost ng dahil sa oras," dagdag niya.

Isang post na ibinahagi ni Ken Chan (@akosikenchan)

Nang tanungin naman siya ng Kapuso news reporter kung naranasan niya na bang mang-'ghost,' ito ang kaniyang naging sagot.

"Ayoko naman kasing magpakalinis... pero hindi ko masasabing ghinosting kuya kasi nagsabi ako e ahead of time at kinausap ko in person. So kasi para sa akin ang ghosting 'yung bigla na lang nawala na walang pasintabi," paliwanag niya.

Nilinaw naman ni Ken na hindi artista ang tinutukoy niya at hindi ibig sabihin nito na sinasarado niya ang kaniyang puso para sa mga kapwa niya celebrities.

Saad niya, "Hindi ko naman sinasarado yong puso ko sa mga artista pero as much as possible 'yung makakapartner ko, makakasama ko talaga, wala sa showbiz."

Isang post na ibinahagi ni Ken Chan (@akosikenchan)


Nag-iwan naman ang Kapuso star ng advice para sa mga kagaya niyang hindi pa handang pumasok sa relasyon.

"Kapag hindi ka ready at narealize mo na hindi pala siya, ang payo ko lang 'wag mong iiwan basta basta o 'wag lang yong bigla kang parang bulang mawawala. Kausapin mo, mag explain ka at mag sorry ka and I think that the best way to do it," wika niya.


LOOK: GUWAPO PHOTOS OF KEN CHAN: