GMA Logo Carla Abellana
Celebrity Life

Carla Abellana on talking with Tom Rodriguez again: 'At this point parang hindi ko kakayanin'

By Aedrianne Acar
Published November 12, 2022 10:12 AM PHT
Updated November 14, 2022 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Basahin ang pahayag ni Carla Abellana sa naging hiwalayan nila ni Tom Rodriguez DITO.

Binuksan ni Kapuso Primetime actress Carla Abellana ang kaniyang puso sa naging hiwalayan nila ng kaniyang ex-husband na si Tom Rodriguez.

Eksklusibong nakapanayam ni Nelson Canlas para sa GMA Integrated News podcast na Updated with Nelson Canlas si Carla, matapos ang ilang buwan na pananahimik- ng aktres tungkol sa isyu.

Sa report ng 24 Oras kagabi, November 11, umamin ito na in pain pa rin siya sa mga nangyari.

Saad niya, “Oo definitely. I won't even hesitate to answer and say definitely, but ang pain kasi doesn't disappear overnight.

“Gustuhin mo man mawala 'yung pain, in a way it's something you cannot control. Ako, I recognized it enough na nandiyan pa definitely, nandiyan pa siya. Ayoko naman sabihing wala, kasi hindi totoo 'yun. Definitely, nandiyan 'yan and matagal pa 'yang proseso.”

Nauna nang kinumpirma ni Tom Rodriguez sa statement nito sa GMA Integrated News na divorce na siya kay Carla.

Tanong ni Nelson tuloy sa Kapuso actress, kung nag-sink in ba ito sa kaniya?

“Number one divorce doesn't exist in the Philippines, dahil ang foreign nung divorce and wala kasi sa atin, hindi pinapractice dito parang hindi pa siya fully nagsi-sink in, siguro mas doon pa siya magsi-sink in sa akin 'pag siguro dito na naproseso o dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Pilipinas.” lahad ni Carla

Ibinahagi rin Voltes V: Legacy star kung kailan niya huling nakita ang ex-husband.

Ayon sa kaniya, “The last time na nakita ko siya was in February, but since then, no.”

Tila nagulat naman si Carla Abellana sa sumunod na tanong sa kaniya ni Nelson Canlas kung mahal pa ba niya si Tom.

Maingat ang naging tugon niya at sinabing, “Oh my gosh! Whoa! Hot seat ito, honestly hindi ko masasagot ng yes or no pagka ganun. Like I said 'yung love naman hindi siya nagdi-dissapear or hindi mo nababawasan nang kusa.”

Naging honest din si Carla na hindi pa siya ready kausapin ang dating asawa, kung sakaling tumawag ito.

“Hindi. Hindi muna”, paliwanag ni Carla, “At this point parang hindi ko kakayanin parang If ever he calls, hindi ko kakayanin kausapin siya.”

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church in Batangas, isang taon matapos silang ma-engage.

HETO ANG KASAL NG ILANG CELEBRITIES NA NAUWI SA DIVORCE O ANNULMENT: