
May juicy revelation ang Bubble Gang hottie na si Kokoy de Santos sa exclusive interview niya sa original YouLOL show na Kalurks.
Guest nina Boobay at Pepita Curtis si Kokoy at award-winning comedian na si Sef Cadayona, kung saan isa sa tinalakay nila ang past relationship ng mga ito.
Napaamin sa Kalurks si Kokoy, tungkol sa ex-girlfriend niya kung saan sinabi niya na nawala ang focus niya noon sa show business.
Paliwanag niya, “Para may context, kaya lang din ako talaga, ito nga, kasi medyo nawala ako sa track before sa ganito klaseng industriya nung naging kami.
“Tapos nung nag-break kami sabi ko, 'Ah hindi!', na-motivate ako na talagang babalik ako. Kasi na-lost ako for two years [dahil sa lovelife], oo.”
Ano naman ang kuwento ni Sef sa dati niyang girlfriend? Alamin 'yan sa video ng Kalurks below!
Abangan ang 27th anniversary special ng Bubble Gang soon kung saan makakasama ng mga Kababol ang ilan sa mga sikat na social media stars tulad nina Manoy, Christian Antolin, Agassi Ching, at Albert “Asian Cutie” Nicolas.
FIND MORE ABOUT KOKOY DE SANTOS IN THIS GALLERY: