
Inamin ni Sharon Cuneta na hindi naging madali ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan nitong mga nagdaang buwan.
Sa ilang Instagram posts ay inilahad ni Sharon ang ilang detalye sa kanilang LQ o lovers quarrel nilang mag-asawa.
PHOTO SOURCE: @reallysharoncuneta
Saad niya sa isang post, "Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! 😂😂😂 Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi!😂😂😂"
Biro naman ni Sharon sa isang post, "Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months!"
Ayon pa kay Sharon ay akala niya mauuwi na sila sa hiwalayan. Ikinuwento ito ni Sharon sa mga posts niya mula sa debut ni Yohan Agoncillo, ang panganay nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.
"Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na."
Saad pa ng Megastar, "Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation."
Sina Sharon at Kiko ay ikinasal taong 1996 at nag-celebrate sila ng 26th anniversary ngayong 2022.
BALIKAN ANG THROWBACK GALLERY NI SHARON CUNETA DITO: