GMA Logo david licauco
Source: davidlicauco (Instagram)
Celebrity Life

David Licauco has tips for those blinded by red flag

By Jimboy Napoles
Published November 24, 2022 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

david licauco


Payo ni David Licauco upang makaiwas sa "red flag:" "'Wag kang bibigay kaagad."

May payo ang Kapuso chinito heartthrob na si David Licauco sa mga taong nabubulag ngayon sa "red flag" o 'yung mga bad habit ng isang tao bago pumasok o habang nasa isang relasyon.

Sa "Signed for Stardom" event ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan, hindi nakaligtas si David sa tanong ng press tungkol sa usapin ng "red flag," na ikinakabit sa kanyang karakter bilang si Fidel sa pinag-uusapang serye ngayon ng GMA na Maria Clara at Ibarra.

Sa isang video na ibinahagi ng Sparkle sa Instagram, mapapanood dito ang sagot ng aktor tungkol sa kung ano ang maipapayo niya upang makaiwas sa "red flag."

Aniya, "Siguro ang maa-advice ko, number one, is kilalanin mo muna talaga 'yung person. Whether this is a friend or a lover, kilalanin mo muna nang mabuti, kailangan mong magpa-hard to get.

"Hindi naman sa magpa-hard to get, but 'wag kang bibigay kaagad, kilalanin mo nang mabuting-mabuti kasi siyempre ayaw natin magsayang ng oras," paglilinaw niya.

Ayon pa kay David, malaki ang magiging impluwensiya ng taong pipiliin mong makasama mo sa iyong buhay, kaya dapat ay matuto kang mangilatis.

"Nakaka-influence rin kasi 'yung mga makakasama mo at this point in time sa personality mo, so ayaw naman natin ng any negativity sa buhay natin," dagdag pa niya.

Sa hiwalay na interview kay David, ibinahagi ng aktor na hindi niya inaasahan na magiging maingay lalo na sa social media ang kanyang karakter bilang si Fidel sa nasabing Kapuso historical portal fantasy series.

"Prior to me playing the role of Fidel, hindi ko naman in-expect na 'yung role ko is magiging this hyped, this big on social media," aniya.

Dagdag ng aktor, "I really think hindi lang 'yun dahil sa akin but sa writers, sa directors, sa gumagawa ng buong screenplay, lahat e' so hindi lang talaga s'ya dahil sa akin."

Aminado rin si David na nakikita niyang marami ang sumusuporta sa cute at unexpected tambalan nila ng aktres na si Barbie Forteza, na gumaganap naman bilang Klay sa naturang series.

Ibinahagi rin ng aktor na marami pang dapat abangan ang "FiLay" shippers sa Maria Clara at Ibarra.

"Siguro like 'yung mga naipapakita ngayon medyo short scenes pa lang but the past few days ang dami na naming lines, ang dami na naming eksena together na I'm pretty sure lahat ng mga supporters ng 'Filay' ay talagang mae-excite and matutuwa. Sana abangan nila," ani David.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CHINITO HEARTTHROB NA SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: