
Kinumpirma ni Sparkle actress Lianne Valentin ang relationship status niya ngayon.
Hindi maikakaila na isa si Lianne sa talented actresses ng Kapuso Network. Sa kabi-kabilang proyekto at guestings ngayon sa GMA, may panahon nga ba ang aktres sa isang relasyon?
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Lianne na hindi muna niya ito iniisip ngayon. Aniya, "Masyado tayong focus sa career pero kung dumating man, why not?"
Sa ngayon, looking forward ang aktres sa mas marami pang oportunidad sa kanyang showbiz career.
"My goal is to be a versatile actress and I really want to experience more characters na may depth din talaga," sabi niya.
Noong Disyembre, kinilala si Lianne bilang Best Supporting Actress sa 11th OFW Gawad Parangal Celebration para sa natatanging pagganap niya bilang Stella sa GMA Afternoon series na Apoy Sa Langit.
MAS KILALANIN SI LIANNE VALENTIN SA GALLERY NA ITO: