GMA Logo khalil ramos and gabbi garcia
Photo from Gabbi Garcia's Instagram account
Celebrity Life

Khalil Ramos, sinorpresa si Gabbi Garcia ng regalo kahit LDR sa kanilang sixth anniversary

By Jansen Ramos
Published March 5, 2023 7:06 PM PHT
Updated March 5, 2023 9:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

khalil ramos and gabbi garcia


Nagdiwang ang Kapuso couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia ng kanilang sixth anniversary nang magkalayo dahil halos isang buwan na ring nasa Italy ang aktres para sa taping ng groundbreaking series na 'Unbreak My Heart.'

Love is very much alive para sa Kapuso couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia kahit panandalian silang nasa long-distance relationship ngayon.

Halos isang buwan na noong huli silang nagkita dahil nasa Italy ngayon si Gabbi para sa taping ng upcoming groundbreaking series na Unbreak My Heart.

Bagamat magkalayo sila ngayon, consistent na ipinapadama ni Khalil na espesyal ang kanyang girlfriend lalo pa at nagdiwang sila ng kanilang sixth anniversary kamakailan.

A post shared by Khalil Ramos (@khalilramos)

"Pinadalan ko s'ya ng flowers. Nakakita ako ng deliver sa Italy ng flowers. So 'yun, 'yun 'yung mga small things lang naman na would go a long way," bahagi ni Khalil sa panayam ni Cata Tibayan para sa 'Chika Minute' report nito sa 24 Oras noong Sabado, March 4.

Dagdag pa ng aktor, challenge din ang magkaibang time zones ng Pilipinas at Italy.

"So do'n pa lang no'ng paglipad n'ya, I have to adjust syempre. I have to wake up earlier para maabutan ko s'ya bago siya matulog and vice versa. I'd stay up late para maabutan ko s'ya magising.

"Si Gab, isa sa mga love languages n'ya talaga is affection."

Pauwi na raw si Gabbi this weekend at may mga nakakasa na silang date.

"Na-miss namin ang isa't isa and we have a couple of dinners planned na so very excited to finally see her again."

Proud si Khalil sa mga bagong endeavor ni Gabbi.

Kahit pagod at subsob sa taping, ibinigay pa rin daw ng aktres ang best effort nito for the series lalo pa at totally out of her comfort zone niya ito.

Ika ni Khalil, "Araw-araw s'ya halos nagwo-work do'n and araw-araw din kaming magkausap and talagang nakita ko kung gaano siya kapagod din.

"Syempre, everyday 'yung work pero lagi kong sinasabi sa kanya na we're very, very proud of her and ako mismo I'm excited for everyone to see, ng mga Kapuso natin, na mapanood s'ya dito dahil grabe.

"At nakita ko 'yung dedication na binigay n'ya, 'yung hard work niya para sa project na 'to."

Panoorin ang buong ulat dito:

Nagkakilala sina Gabbi at Khalil noong 2015 sa 18th birthday celebration ng common friend nilang si Julia Barretto.

Naging opisyal silang magkasintahan matapos ang dalawang taon.

TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA KHALIL AT GABBI SA GALLERY NA ITO: