GMA Logo Gabbi Garcia and Khalil Ramos
Courtesy: gabbi (IG)
Celebrity Life

Gabbi Garcia talks about what she loves about Khalil Ramos

By EJ Chua
Published March 18, 2023 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia and Khalil Ramos


Gabbi Garcia tungkol kay Khalil Ramos: “He is a well-balanced person…He knows when to be a boyfriend…”

Kabilang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa real-life celebrity couples na hinahangaan ngayon ng maraming netizens at television viewers.

Kasalukuyang napapanood si Gabbi sa GMA action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja, at parte rin siya ng upcoming series na Unbreak My Heart.

Kahit abala sina Gabbi at Khalil sa kanya-kanya nilang projects, kapansin-pansin na nakakapagbigay pa rin sila ng oras para sa isa't isa.

Ayon sa ilang netizens, #CoupleGoals daw ang dalawa.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Gabbi ang ilang detalye tungkol sa kanyang love life.

Isa sa mga natanggap niyang katanungan mula sa press ay kung ano ang nagustuhan niya sa kanyang boyfriend na si Khalil.

Pagbabahagi ng aktres, “What I admire about Khalil? He is a well-balanced person. He is a very smart, well-balanced person. He knows when to have fun, he knows when to get serious. He knows when to be a boyfriend, he knows when to be just an actor… very well-balanced person.”

Ayon pa kay Gabbi, sa loob daw ng anim na taon na magkarelasyon sila ni Khalil, sobrang dami na nilang natutunan sa isa't isa.

Kuwento pa niya, habang mas tumatagal ang kanilang relasyon ay napapansin niyang mas nagma-mature sila at mas naiintindihan nila ang isa't isa.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Mga Lihim ni Urduja, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG SWEET PHOTOS NINA GABBI GARCIA AT KHALIL RAMOS SA GALLERY SA IBABA: