
Masayang sinimulan ng magkarelasyong Klea Pineda at Katrice Kierulf ang kanilang bakasyon sa La Union dahil pumunta sila rito gamit ang kani-kanilang big bikes.
Parehong mahilig sina Klea at Katrice sa malalaking motor kaya naman hindi nakapagtataka na ito ang naging paraan nila para pumunta sa La Union.
"Walang sawang ride w/ you @kleapineda," sulat ni Katrice sa kanilang larawan na ibinahagi niya sa Instagram stories.
Kasama nina Klea at Katrice ang pamilya Pineda na pumunta sa La Union nang nakasasakyan.
Pang-aasar ng kapatid ni Klea na si Kzea, "Hay sarap naka aircon."
Isinapubliko nina Klea at Katrice ang kanilang relasyon noong ika-24 na kaarawan ni Klea noong March 19 matapos umamin ni Klea na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG SAME-SEX CELEBRITY COUPLE SA MGA LARAWANG ITO: