
Ipinakita ni Joel Cruz ang isa sa mga biniling properties sa Amerika na ayon sa kanya ay ipapamana sa mga anak.
PHOTO SOURCE: Joel Cruz Official (YouTube)
Si Joel, na tinagurian din bilang Lord of Scents, ay isang successful entrepreneur. Siya ay may walong anak na sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid, at Ziv.
Sa kanilang pagbisita sa Moreno Valley sa California, ipinasyal nya ang mga ito sa isa sa kanyang real estate investments.
Ang bagong property na ito ay ikinagulat ng mga anak ni Joel na noon ay kasama niya sa loob ng isang tour bus.
LOOK: Joel Cruz's beautiful photos with his eight adorable kids
Paliwanag ni Joel, "That's the fourth property that we have in America."
Nilinaw naman ni Joel sa kaniyang mga anak kung para saan itong property na ito at kung ano ang mangyayari rito sa kanilang pagtanda.
Ani Joel, ito ay mamamanahin nilang negosyo, "I want you to know because you are my children. Eventually, you know I am 58 years old, daddy will not be here on earth anymore so you'll be grown-ups. You're gonna take care of the business also when you grow up, that's why I have to explain for you to know."
Ipinaliwanag pa ni Joel sa mga anak kung ano ang sakop ng biniling property.
"The building and the land is what daddy bought. There's a tenant. The tenant is the one who owns Popeye's, they're the ones renting from us so every month we have to collect money from them. They have to pay us for the rental."
Ayon pa sa kilalang businessman, nasa mga anak na niya ang desisyon kung ano ang gagawin dito pagkatapos ng ilang taon.
"Now you understand. Maybe after 20 years, 30 years, if you want to change it to a building you can do that also."
Panoorin ang kaniyang buong vlog dito:
SAMANTALA, SILIPIN ANG WHITE HOUSE NI JOEL CRUZ SA BAGUIO: