
Naging usapan online ang pagpapasuot ni Kapuso star Heart Evangelista ng kuwintas mula sa isang sikat na luxury brand sa aso niyang si Panda.
Ayon kay Heart, paraan daw niya ito para ipakita ang pagmamahal sa kanyang alaga.
"I'm a very candid person. I'm very transparent. Honestly, I love my dogs. Anak ko 'yun, e," lahad niya.
Hindi naman sinagot ni Heart nang diretso ang mga haka-haka online kung patama ba ito sa isang tao.
Nilinaw lang niya na maari niyang gamitin ang kuwintas sa ano mang paraan dahil pag-aari niya ito.
"Well, the necklace has been mine since pandemic times. I honestly don't see anything [wrong]. I feel like, more than anything, it should be an inspiration that you should treat the people around you the same. They deserve the best. Honestly, I don't really feel like there's anything that I should do and not do, especially I do own the necklace," aniya.
Hindi rin ito ang unang beses na sinuotan ni Heart ng luxury items si Panda.
Sa katunayan, makikita sa Instagram account na ginawa ng aktres para sa kanyang fur baby na maraming mga kagamitan si Panda tulad ng dog collars, pet sweaters, kumot, at higaan na mula sa iba't ibang luxury brands.
Hilig din ni Heart na litratuhan ito na suot ang ilang maliliit na bags niyang de tatak din.
"I wanted to set an example na ang aspin, they are a special kind of breed na sariling atin. Sino-spoil talaga siya," bahagi ng aktres.
Isa rin sa pangarap niya ang maisama si Panda sa mga biyahe niya overseas.
"In fact, ang aking goal talaga is makarating siya sa Paris," ani Heart.
Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay Heart Evangelista para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Tingnan ang fab looks ng celebrity pet na si Panda rito: