
Pupunta sa ibang bansa ang Kapuso real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio para sa Araw ng mga Puso.
Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, Miyerkules, February 12, nakaalis na raw sina Elle at Derrick patungo sa Paris o City of Love para sabay i-celebrate ang Valentine's Day at kaarawan ni Elle. Ito na rin ay magsisilbing bakasyon ng dalawa na matagal na nilang pinlano.
"Since it is Valentine's, saan pa ba better i-celebrate yun kundi sa Paris at saka mag-bibirthday rin siya sa February 18, so parang ayun na 'yung gift ko sa kaniya," sabi ni Derrick.
Ikinuwento ng Kapuso actor na mas gusto raw niya bumuo ng memories kasama si Elle.
Ipinaliwanag ni Derrick, "Material things, mabibili naman onting ipon lang, pero ito kasi oras ito 'e matagal na oras."
Bago lumipad si Derrick papuntang Paris, binanggit nito na tinapos niya muna ang mga eksena sa bagong ginagawa niyang series sa GMA.
Noong nakaraang taon, nakasama naman nina Elle at Derrick ang isa pang Kapuso real-life couple na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa kanilang trip sa Bali, Indonesia.
Panoorin ang buong balita rito:
SAMANTALA, TINGNAN NAMAN DITO ANG SWEETEST MOMENTS NINA ELLE VILLANUEVA AT DERRICK MONASTERIO