Celebrity vacation homes you can rent for leisure

Marami na ring celebrity ang nagtayo ng kanilang mga bahay-bakasyunan sa probinsya.
Itinuring nila itong second home kung saan sila nakakapag-relax sa tuwing uuwi sila rito para makapagpahinga matapos ang pagod at matinding puyatan sa trabaho.
Big investment na rin ito para sa ilan na naisipang gawing negosyo ang prized property na kanilang binuksan sa publiko bilang private rental space sa mga nais manatili rito para magbakasyon. Bukod sa short-term home stays, may ilan ding artista na binuksan ang kanilang tahanan para gawing events place para sa intimate occasions.
Narito ang ilang celebrity vacation homes na maaaring eksklusibong upahan:






