Alden Richards, nakiisa sa beach and reef cleanup drive sa Batangas

Pinangunahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang isang beach and reef cleanup drive sa ilang mga lugar sa Mabini, Batangas noong March 25, Sabado.
Hindi man ito ang unang beses na mag-scuba dive ang Kapuso star, pero ayon kay Alden ay ito ang unang beses niyang sumisid para sa isang cleanup drive.
Ang initiative na ito ay parte ng “Saving Our Seas” campaign ng local canned tuna brand na Century Tuna bilang paglaban sa plastic pollution.
Tignan ang ilan sa mga highlights ng dinaluhang cleanup drive ni Alden sa gallery na ito.









