Rere Madrid, Kai Sotto take some sweet time off in Japan

GMA Logo Rere Madrid and Kai Sotto
Source: reremadrid/IG

Photo Inside Page


Photos

Rere Madrid and Kai Sotto



Nagpunta kamakailan ang Sparkle actress at model na si Rere Madrid kasama ang nali-link sa kaniyang Filipino basketball player na si Kai Sotto sa Japan para sa isang well-deserved break.

Sa Instagram, nag-post si Kai ng ilang pictures nila ni Rere sa kanilang bakasyon, kabilang na ang ilang tourist destinations.

Caption ni Kai sa kaniyang post, “Me and mine🖤”

Sa comments, sumagot naman si Rere, “aww ily 🥺💗” Nag-komento rin ang nakatatandang kapatid ni Rere, ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa post ni Kai, “Ginulat mo na naman ang mundo, brader! 😂”

Naging usap-usapan sina Rere at Kai nang sabay silang naglakad sa red carpet ng GMA Gala nitong July. Hindi tuloy naiwasan ng marami ang magtanong kung ito ay “hard launch” na ba ng relationship ng dalawa.

Nagkaroon rin ng haka-haka ang mga tao na Instagram Official na sila matapos mag-post ni Rere ng litrato nila ni Kai sa kaniyang Instagram story noong August.

Samantala, tingnan ang ilan sa sweet photos nila Rere at Kai sa Japan sa gallery na ito:


Rere and Kai
Enjoying the sights
Cable car
Selfies
Mirror photo
Exploring Japan
ILY
Happy together
Me and mine

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!