Celebrity Life

LOOK: Alden Richards visits Space Center Houston

By Bea Rodriguez

Isa sa perks ng Kapuso show abroad ni Pambansang Bae Alden Richards ay meron siyang chance na makapaglibot sa mga tourist spots ng isang lugar.

Nasa Houston, Texas ngayon ang Kapuso star para sa “Fiesta Ko sa Texas 2017” na hatid ng GMA Pinoy TV sa ating mga kababayan abroad.

 

Nagkaroon ng time ang Pambansang Bae para bisitahin ang tourist attraction na Space Center Houston kung saan matatagpuan ang human spaceflight activities ng National Aeronautics and Space Administration.

Kita-kits sa Bayou City Event Center para sa Kapuso show ng ating Pambansang Bae bukas (August 13).