Celebrity Life

WATCH: Add Raj, sinubukan ang paghahabi sa Mindoro

By Marah Ruiz

Kasama ang programang iJuander, binisita ni Kapuso hunk Addy Raj ang Oriental Mindoro. 

Isa sa mga pinuntahan niya ang munisipyo ng Mansalay kung saan nakatira ang mga Hanunuo, isang tribo ng mga Mangyan. 

Bilang pagsalubong, nasaksihan niya ang sayaw na kung tawagin ay Tarok—isang ritual dance para sa masaganang ani. 

Sinubukan din ni Addy ang paghahabi, simula sa han-ay o paghahanay ng mga sinulid hanggang sa habol o paghabi mismo ng tela. 

Panoorin ang attempt ni Addy sa paghahabi sa feature na ito ng iJuander.

Video courtesy of GMA Public Affairs