
Dahil sa COVID-19 pandemic, marami travel plans ang na-postpone o 'di kaya'y tuluyan nang nakansela.
Kahit ang soon-to-be mom na si Aicelle Santos, napa-throwback sa mga dati niyang trips.
Sa isa niyang post, ipinakita niya ang souvenir photo nang magpunta sa Old Town sa Edinburgh, Scotland.
Saad ng Kapuso singer-actress, “Namimis na ang lumayas. Hanggang throwback na muna. It's nice to look back at pictures. Mapapangiti ka.
“Makes us feel how wonderfully blessed we are by our Father.”
Looking forward naman ang Centerstage judge sa susunod na beach trip nila ng asawa niyang si Mark Zambrano nang mapa-throwback ito sa bakasyon nila sa El Nido, Palawan.
Ani ni Aicelle, “Glad we were able to spend some time as a couple in so many trips for the past years. Next time we head back to the beach, tatlo na tayo mahal ko.”
Naganap ang garden wedding nina Aicelle at Mark noong November 2019.
Nitong June ay kinumpirma nila sa publiko na magkakaanak na silang dalawa.
LOOK: Aicelle Santos and Mark Zambrano's sweetest photos