
Ngayong lumuluwag na ang quarantine restrictions sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya, puwedeng-puwede na ulit mamasyal kasama ang pamilya o barkada basta't bakunado at sumusunod sa mga health protocol.
Sa episode ng Unang Hirit nitong Huwebes, November 25, nagtungo ang StarStruck survivors na sina Lexi Gonzales at Kim de Leon sa isang campsite sa San Jose, Antipolo.
Dumaan muna ang dalawa sa ilang minutong hiking bago makarating sa kanilang tutuluyan na bahay-kubo. Nag-enjoy naman ang dalawa dahil one with nature daw ang feeling sa lawak ng bukid na napapalibutan ng mga puno at halaman.
Kumpleto sa gamit ang kanilang nirentahang bahay-kubo, may kama at malaking duyan din na pwedeng higaan para mag-relax. Sina Kim at Lexi rin mismo ang namingwit ng isda sa isang ilog malapit sa kubo.
Nasubukan naman ang scout craft skills ng dalawa sa pagpapaapoy ng kahoy para maluto ang kanilang nahuling isda. Sa huli, nagawa naman nilang makapagluto at makapaghanda ng kanilang masarap na almusal.
Panoorin ang kanilang masayang outdoor adventure at probinsya feels na pasyal DITO:
Samantala, noong Pebrero 2020, napili sina Lexi Gonzales at Kim de Leon bilang ambassadors ng Occupation Safety and Health Center ng Department of Labor and Employment. Tingnan sa gallery na ito ang mga larawan ng kanilang naging contract signing: