
Memorable para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang naging bakasyon niya sa United States upang ipagdiwang ang Pasko, bagong taon, at ang kanyang kaarawan.
Ayon kay Alden, hindi niya malilimutan kung paano nila sinalubong ng kanyang pamilya ang kanyang ika-30 na kaarawan noong January 2.
Aniya, "That was my first vacation, out of the country after two years since the pandemic started. It was very refreshing also to be in a different setting and I celebrated my birthday, Christmas, and New Year there. Ang daming first, ang daming first na nangyari doon."
"Natutuwa ako kahit paano, I have been able to [go] out of the country with my family to celebrate those special occasions. Ayun, simple lang, I didn't want my birthday to be grand, we just stayed sa bahay, nagsalubong lang kami.”
"Actually, that's one of my memorable experiences. First time kong nagsalubong ng birthday. 'Yung antok na antok na ako ng alas-9 ng gabi pero I had to wake up by 12 kasi January 2 na 'yun,” kuwento pa niya. "Ganun lang, simple lang naman ako. Hindi ako mahirap i-please, I just want simple things in life. I don't want 'yung mga big parties. Nung birthday ko, I just wanted to be with the people that I love and the people that I'm close to."
Nakabalik na si Alden sa Pilipinas at kasalukuyang naghahanda sa darating niyang benefit concert na Forward: Meet Richard R. Faulkerson, Jr. na mapapanood sa January 30 sa ika-8 ng gabi.
Lahat ng kikitain ng Forward, na idinerehe ni Frank Lloyd Mamaril, ay mapupunta sa AR Foundation kung saan may mga pinag-aaral si Alden.
Mabibili ang tickets nito sa Ticket2Me sa halagang PhP1,999 (VIP with virtual meet & greet) at PhP999 (General Admissions).
Bago ang concert ni Alden, balikan dito ang kanyang career highlights sa mga larawang ito: