GMA Logo Rufa Mae Quinto
Source: rufamaequinto (Instagram)
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, nag-enjoy sa kanyang island hopping sa Batangas

By Jimboy Napoles
Published October 3, 2022 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Matapos magbakasyon sa Thailand, sa beach naman sa Batangas napiling magbabad ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Ibinida ng Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto ang kanyang sexy body habang nasa bakasyon sa isang beach sa Anilao, Batangas.

Sa kanyang Instagram ngayong Lunes, October 3, ibinahagi ni Rufa ang kanyang mga larawan habang nakatayo sa isang bangka at enjoy na enjoy sa kanyang beach getaway.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Sa nasabing mga larawan, suot ni Rufa ang kanyang red and blue bikini kung kaya't kitang-kita ang kanyang sexy figure.

"Smell the sea and feel the sky, let your soul and spirit fly! So tranquil, peaceful, and gliding! (nakapag google din)," nakatutuwang caption ni Rufa.

Dagdag pa niya, "Mga hilig kong gawin, mag-swim sa beach, island hopping gamit ang boat habang maaraw at kalangitan! Go, go, go! Todo na 'to!"

Matatandaan na kamakailan ay nag-viral maging sa Thailand ang nakakaaliw na video ng performance ni Rufa ng kanyang sariling version ng hit Disney song na "Let it Go."

Mayo ngayong taon nang magbalik-Kapuso si Rufa nang pumirma siya ng management contract kasabay ng Signed for Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center.

SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI RUFA MAE QUINTO SA GALLERY NA ITO: