Simula nang ipalabas sa Netflix noong September 17, trending pa rin ngayon ang Korean drama series na ‘Squid Game.’
Ito ay pinagbidahan ng mahuhusay na Korean stars na sina Lee Jung-jae, Park Hae-soo, Jung Hoyeon, Wi Ha-Joon at marami pang iba.
Kasama rin nila ang daan-daang karakter na gumanap bilang players para sa buwis-buhay na challenges na parte ng istorya.
Bukod sa ‘Squid Game,’ mapapanood din sa Netflix ang ilan pang Korean drama series tulad ng ‘Tale of the Nine-Tailed’ at ‘Hometown Cha-Cha-Cha.’