Isa si Sanya Lopez sa Sparkle's brightest stars na dapat pang abangan ngayong 2022.
Mas nakilala ang pangalan ni Sanya sa natatanging pagganap nito sa mabibigat na TV roles sa Kapuso Network.
Napanood ang husay niya sa pag-arte sa ilang GMA shows tulad ng 'Encantadia' remake noong 2016, ‘First Yaya’ noong 2021 at iba pa.
Muling bibida si Sanya sa nalalapit na pagpapalabas ng sequel series ng ‘First Yaya,’ ang ‘First Lady.’