Kasunod ng official announcement tungkol sa upcoming spin-off series ng 'Encantadia' na pinamagatang 'Sang'gre,’ inihayag na rin na may napili nang female celebrity na bibida rito.
Sa isang panayam, masayang ibinahagi ng GMA Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable na kabilang sa homegrown talents ng Kapuso Network ang kanilang napili para sa title role.
"Unang-una, kailangan mukha siya talagang Sang'gre. Kailangan beautiful, physically mukhang strong, magiging maganda ang hitsura kapag nilagyan mo ng costume, agile kasi definitely, she will be doing a lot of stunts, a lot of fight scenes and siyempre magaling umarte. Lahat 'yun taken into consideration na pwede siya ihanay doon sa mga Sang'gre na nauna na before her," pagbabahagi ni Rasonable.
Samantala, habang wala pang ibinibigay na pangalan ng bibidang aktres ang GMA, mayroon nang kanya-kanyang hula ang netizens. Narito ang kanilang mga hula. Kabilang kaya ang celebrity idol mo?