Patuloy na sinusubaybayan ng Pinoy viewers ang mga karakter nina Jillian Ward, Kazel Kinouchi, at Klea Pineda sa hit GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’
Napapanood sila sa serye bilang mga apo ni Lolo Pepe, na ginagampanan ni Leo Martinez. Si Jillian ay kilala bilang si Analyn, habang sina Kazel at Klea ay gumaganap bilang sina Zoey at Justine.
Sa nakaraang episodes ng serye, kapansin-pansing sobrang magkakaiba ang ugali ng tatlong apo ni Lolo Pepe.