Ngayong Biyernes, May 10, mapapanood na ang finale episode ng Thai romance drama series na ‘Miracle of Love’ sa GMA. ’
Sa huling mga tagpo, mapapanood ang intense scenes, kung saan malalagay sa panganib ang buhay nina Louie (Push Puttichai Kasetsin) at Aldwin (Son Yuke Songpaisan).
Sino kaya ang matitira sa buhay ni Danica (Pooklook Fonthip Watcharatrakul)?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng istorya nito.