Habang tumatagal, mas lalong tumitindi ang mga eksena sa tatlong GMA Prime series na 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko.'
Sa Pulang Araw, marami na ang naging biktima ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Bukod sa kanila, biktima rin ang mga babaeng naging comfort women.
Sa Widows' War, biktima pa rin sina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana) ng paghihinalang sila ang pumapatay sa mga tao sa Palacios estate.
Sa Asawa Ng Asawa Ko, biktima ang mga tao ng pagmamahal na gagawin nila ang lahat para makuha ang gusto nila sa buhay.
Kung may totoong biktima ang 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko,' hindi rin mawawala ang mga pa-victim sa mga programang ito.