Aired (June 20, 2026): #ReportersNotebook: “Trahedya sa Aurora” Noong June 8, iniahon mula sa dagat sa Dipaculao, Aurora ang mga katawan ng Ateneo basketball players na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili. Ayon sa mga awtoridad, pagkalunod ang ikinamatay ng dalawang atleta habang nasa team-building at training activity. Ngunit matapos magsalita ang ilan sa kanilang mga kasamahan, lumitaw ang mga tanong tungkol sa mga pangyayari bago ang trahedya. Ano nga ba ang totoong nangyari kina Rene at Divine? Mayroon nga bang dapat managot? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook