Ayon kay Baus Rufo, sinusuportahan nila ni Macoy Dubs ang desisyon ni Joy Barcoma sa pag-exit nito sa kanilang podcast na 'Dogshow Divas.' Samantala, isa si Baus sa hosts ng pinakabagong live entertainment talk show na KALURKS!, na mapapanood na simula September 13, tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.