ONLINE EXCLUSIVE: Hindi naiwasan nina Jean Garcia at Martin del Rosario na magtawanan matapos ang intense na eksenang kinunan habang kumakain ng dragon fruit. Gumaganap sila sa eksenang ito bilang mag-inang Dona at Ivan na nagpa-planong maghiganti kay Lolong (Ruru Madrid). Patuloy silang panoorin sa 'Lolong: Bayani ng Bayan,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.