Muling sisiklab ang bagong laban! Haharapin ni Elias Guerrero (Ruru Madrid) ang bagong kapalaran, bagong puwersa, bagong mga kakampi at kalaban dahil simula na ng bagong digmaan sa 'Black Rider!' Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na 'Black Rider,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m. Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.