Mula sa speedboat chase, hand-to-hand combat, at malalaking pagsabog, halos isa't kalahating linggo binuo ang mga eksena mula sa "Digmaan sa Isla Alakdan." Narito ang isang exclusive behind-the-scenes look sa isa sa pinakamalaki at pinakamaaksiyong yugto ng 'Black Rider.' Kapit lang sa patuloy na pagharurot ng bagong yugto ng full action series na 'Black Rider,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m. Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.