Binalikan ni Julie Anne San Jose ang masasayang alaala niya sa kanyang yumaong kaibigan at kapwa singer na si Vanessa Rangadhol, na nakasama niya noon sa singing competition na 'Pop Star Kids'. Matapos ang kompetisyon, naging parte rin sila ng kiddie singing group na Sugarpop.