Aired (August 30, 2026): Ang mga ilegal na koneksyon ng tubig sa Tondo, Maynila na inaksyunan ng #Resibo kasama ang Maynilad noong 2025, kumusta na kaya ngayong 2026? Ang ginang naman na itinuring na perwisyo ng mga residente sa iba't ibang barangay sa Nueva Vizcaya dahil sa umano'y paninira ng sasakyan, pananakit at pagwawala, natuklasang may kondisyon na kailangan ng medikal na atensyon noong nakaraang taon. Matapos siyang matulungan, kumusta na kaya siya ngayon? Ang buong ulat, panoorin sa video.