Aired (June 6, 2026): #ReportersNotebook: “Menor Kriminal?” Paunawa: Sensitibo ang paksa. Isang 11-anyos na batang babae sa Arayat, Pampanga, natagpuang duguan matapos pagsasaksakin at paghahampasin umano ng bote sa ulo. Samantala, sa San Pablo, Laguna, isang ina at kanyang apat na taong gulang na anak ang brutal na pinaslang. Sa parehong kaso, mga menor de edad umano ang itinuturong suspek. Ano ang nagtutulak sa ilang kabataan na masangkot sa mabibigat na krimen? At sapat ba ang mga batas para sa mga menor de edad na lumalabag sa batas? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook