Sa paghahanap ni Howie Severino ng lugar kung saan maraming matatandang nananatiling malakas at aktibo, binisita niya ang Benguet at nakilala ang mga elder na patuloy na nagtatanim at namumuhay malapit sa kanilang pamilya at komunidad. Kabilang dito si Lola Marta na umabot na sa 100 taong gulang. Ano nga ba ang maaari nating matutuhan sa paraan ng kanilang pamumuhay para sa malusog at aktibong pagtanda? Panoorin ang 'Mountain of Youth,' dokumentaryo ni Howie Severino sa #IWitness.