Mula sa konsepto at direksyon ni Marilou Diaz-Abaya at sa panulat nina Ricky Lee at Jun Robles Lana, muling aahon ang isang klasikong pelikulang Pilipino — Muro-Ami, ngayon ay digitally restored at remastered na. Pinagbibidahan nina Cesar Montano, Jhong Hilario, Pen Medina, Amy Austria, at Rebecca Lusterio. Mapapanood ito sa piling SM Cinemas simula June 3.