Makakasama ng pangkat ni Eduardo (Alden Richards) si Kumander Liwayway (Elle Villanueva) habang maglulunsad naman ng kamikaze attacks si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo). Samantala, magiging madre na sa kumbento si Teresita (Sanya Lopez). Panoorin ang pasilip sa mga tagpo na dapat abangan sa episode 104 ng 'Pulang Araw.' Subaybayan ang #PulangAraw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay din ito sa GTV, 9:40 p.m. Maaari rin itong mapanood sa Kapuso Stream.