Dreamers, ihanda na ang inyong mga puso dahil ngayong Biyernes ng gabi, isang mabigat na sikreto ang mabubunyag! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dani kapag nalaman niyang si Tristan ang tunay na ka-penpal niya noon? Sabay-sabay nating abangan ang mga pasabog na eksena sa 'Start-Up PH,' mapapanood mamayang 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at 11: 00 p.m. naman sa GTV. Mapapanood din ang programa sa Kapuso Livestream.