Mula nang magkakilala sina Ellen at Migo, naging magaan na ang kanilang loob sa isa't isa. Hanggang sa dumating ang araw na parehas na silang umiibig at nagdesisyong magtanan para takasan ang mahaderang tiyahin ng dalaga. Ang problema, sa gabi ng kanilang pagtatanan, hindi sinipot ni Ellen si Migo! Nasaan na kaya ang dalaga?