Mula nang mabaldado ang kanyang ama, nagtrabaho bilang domestic helper sa Qatar si Julie. Hindi na tuloy siya nagkaroon ng panahon para sa kaniyang sariling kaligayahan. Hindi niya inakala na isang bagong mundo ang magbubukas para sa kanya online! Dito niya nakilala si Dino (Joseph Bitangcol) at nagkaroon sila ng LDR o Long Distance Relationship. Paano kung madiskubre niyang pera lang pala ang habol sa kanya ng nobyo?