What's Hot

Robin Padilla on Angel Locsin: "Walang mabubuong relasyon."

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 11, 2020 8:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Sinamantala na ng PEP ang pagkakataon para hingan ng pahayag si Robin tungkol sa pagkaka-link niya sa kanyang leading lady sa Asian Treasures.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Robin Padilla on Angel Locsin: "Walang mabubuong relasyon." stars Dumalo sa press con ng senatorial candidate na si Cesar Montano ang kaibigan niyang si a href=http://www.igma.tv/profile/robin-padilla>Robin Padilla kahapon, April 26, sa Annabel's restaurant. Sinamantala na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon para hingan ng pahayag si Robin tungkol sa pagkaka-link niya sa kanyang leading lady sa Asian Treasures na si a href=http://www.igma.tv/profile/angel-locsin>Angel Locsin . Sa May 8, ay nakatakda na naman silang umalis nina Angel, a href=http://www.igma.tv/profile/marvin-agustin>Marvin Agustin at a href=http://www.igma.tv/profile/diana-zubiri>Diana Zubiri patungong Beijing at Macau sa China para sa taping ng Asian Treasures . Biro kay Robin, since wala namang nangyaring maganda sa kanila ni Angel nang mag-taping sila sa Thailand a month ago, ngayon ba sa pagpunta nila sa China ay may magandang relasyon nang mabubuo sa kanila? "Trabaho lang talaga, kapatid," nakangiting wika ni Robin. "Walang mabubuong relasyon. Saka nakakaawa si Angel dahil kagagaling lamang niya sa isang malungkot na paghihiwalay, hayaan na lang muna natin siya." Pero aware ba si Robin may balita na kay Marvin naman inili-link si Angel? Kababalik lang nina Angel at Marvin mula sa Boracay, kung saan nag-celebrate ng birthday niya ang young actress. "Wala akong alam tungkol sa kanila ni Marvin dahil sama-sama lang naman kaming nagtatrabaho. Kung totoong sila, wala namang masama roon, pareho naman silang libre," sagot ni Robin. Hanggang ngayon ay nasa Thailand pa rin ang mga anak ni Robin na sina Queenie at Kyle dahil nag-aaral pa ang mga ito sa Muay Thai Institute. Kailan babalik dito sa Pilipinas, o sa Australia, ang mga anak ni Robin? "Hindi pa po, kasi ang kinukuha pa lang nila ngayon, mga basics pa. Gusto nilang kumuha pa ng advanced courses doon kaya magtatagal pa sila. Siguro after ng taping namin sa China, baka dumaan ako sa kanila bago bumalik dito sa bansa para madalaw ko naman sila," sabi ng action star. Itinanong na rin namin kay Robin kung tuloy ba ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta sa GMA Films. "Opo, nakipag-meeting na po kami ng manager ko sa GMA Films. Hinihintay lang namin ang storyline na ginagawa ni Direk Joey Reyes, na siya ring magdidirek ng movie namin," pagkumpirma niya. "Excited na rin po ako kasi muli kaming magkakasama ni Ma'am [tawag ni Binoe kay Sharon]. Matagal-tagal na rin kasi yung huling movie namin, ang Pagdating ng Panahon sa Viva Films. Kaya lang, tatapusin daw muna ni Ma'am ang shooting ng movie niya sa Star Cinema bago kami makapag-shooting sa GMA Films," paliwanag ni Robin. PEP