free amp templates

JESSICA VILLARUBIN

Breaking Free

The Clash Season 3 grand champion Jessica Villarubin opens up about her hard-up life in Cebu, her long and traumatic battle with bullying, and shares why her debut single “Ako Naman” is her fight song.

Text by Jansen Ramos
Photos by Rap Yu and GMA Artist Center

On December 20, 2020, a new singing idol was born in Jessica Villarubin after winning in the third season of GMA’s all-original Filipino singing competition The Clash.

She’s fierce, hungry, motivated. Her moniker says it all: “Power Diva.”

A first-time TV competition contestant from San Fernando, Cebu, Jessica is the youngest among nine siblings and is the only college graduate in the family.

She left her job as a singer and entertainment staff in a five-star hotel in Cebu just to join the Kapuso singing competition in a time of a pandemic.

“Sana ando’n ’yung family ko no’ng pagkapanalo ko kasi iba po ’pag ando’n ’yung pamilya mo e, kaso malayo sila no’n."

Pinapanood ko rin po ’yung time nila Golden at saka ni Jeremiah na wala pang pandemic, ’yung parents nila ando’n sa stage, nagha-hug sila, parang nalungkot din ako, mas maganda sana ’pag ando’n sila,” Jesssica shares in a one-one-one chat with GMANetwork.com.

Jessica took the risk when she flew from Cebu to Manila. Aside from the adhering to the safety and health protocols to try her luck on TV, what made her trip more challenging was that she went on the trip all alone.

But at that point, Jessica was not thinking about herself anymore. She was thinking about her family of 10 that she had to feed.

“Sa lahat po ng magkakapatid, ako lang din ’yung nakapagtapos, ako lang din ’yung may magandang trabaho. Kapag may emergency, ’yung mga kapatid ko, sa’kin sumasandal pero kapag may pera naman po ako, tumutulong po ako sa kanila kapag may mga na-ospital, mga gano’n.

“Mostly po talaga ako ’yung nagpo-provide sa family namin kasi ’yung mga kapatid ko pintor, gasoline boy. Lahat naman nagtutulungan pero ako lang ’yung may malaking share sa family namin,” Jessica says.


“Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong makapagtrabaho nang maayos para patigilin ko ’yung Mama ko sa paglalaba kasi naawa talaga 'ko sa Mama ko ’pag nakikita kong sako-sako ’yung nilalabhan niya. ’Yun po talaga ’yung rason kung bakit gusto kong mag-strive hard para sa sarili ko.”

Even though she was the youngest child in her family, Jessica felt that she had to step in as the breadwinner. And she was able to do this through singing.

Nagsimula po akong kumanta no’ng six years old pa lang ako, so bata pa lang ako hanggang nag-high school, hanggang nag-college, ’yun na rin ’yung way na natulungan ko ’yung family ko sa pagkanta ko kasi kapag nanalo ako, may pambili na kami ng pagkain; baka bukas, meron kaming baon.

Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong makapagtrabaho nang maayos para patigilin ko ’yung Mama ko sa paglalaba kasi naawa talaga ko sa Mama ko ’pag nakikita kong sako-sako ’yung nilalabhan niya. ’Yun po talaga ’yung rason kung bakit gusto kong mag-strive hard para sa sarili ko.” 

She continues, “Sabi ko sa kanya, ‘Ma, kapag nakapagtrabaho na ako nang maayos, ayoko na naglalaba ka, ayoko na napapagod ka. Ako na lang ’yung mapapagod, ako na lang ’yung magtatrabaho at least ikaw makapag-rest ka na, makapag-relax ka na.’”

In her teenage years, Jessica became self-supporting, making sure the cash prizes that she won in singing contests would go to the things that her family needed. 

Jessica recalls, “Ang pinakamalaki ko pong cash prize is P60,000 sa music festival na parang gagawin siyang theme song sa isang lugar, so ’yun po ’yung pinakamalaking kong napanalunan. After ko pong manalo do’n, ’yun din po ’yung dahilan kung bakit ako nakapag-enroll sa kolehiyo kasi timing ’yun na kaka-graduate ko lang ng high school so magka-college na ko. So no’ng time na ’yun sabi ng Mama ko, parang ’di nila kayang pag-aralin ako ng college.”


"Parang ayoko na kumanta kasi palagi lang nila sinasabi na maganda lang ‘yung boses ko pero ‘yung mukha ko hindi kasi dapat daw total package, kasi dapat kapag may talent ka dapat maganda ka din.”

Overcoming criticisms

With her impressive vocal prowess, Jessica had won in countless singing contests back in Cebu. She was even introduced as a member of a trio girl group called Viva La Diva in the province.

It didn’t mean she was able to win the hearts of many.

Jessica says, “Ewan ko pero ito ‘yung nakikita ko, ‘pag maganda ka, iba ‘yung trato sa ‘yo ng mga tao. ‘Yung bullying po na naranasan ko noon, grabe din po ‘yung epekto sa ‘kin non, parang bumaba rin ‘yung confidence ko.

Parang ayoko na kumanta kasi palagi lang nila sinasabi na maganda lang ’yung boses ko pero ’yung mukha ko hindi kasi dapat daw total package, kasi dapat kapag may talent ka dapat maganda ka rin.”

The Cebuana singer revealed that there was a point in her life when she felt she didn’t want to sing anymore because of the harsh words thrown at her about her physical appearance.

“’Yung naging epekto sa’kin, parang nawala ’yung confidence ko sa sarili ko, nahihiya ako kumanta."


“Ewan ko pero ito ‘yung nakikita ko, ‘pag maganda ka, iba ‘yung trato sa ‘yo ng mga tao. ‘Yung bullying po na naranasan ko noon, grabe din po ‘yung epekto sa ‘kin non, parang bumaba rin ‘yung confidence ko."

“’Yung iba kasi, hindi nila alam kung sino ka, parang nagdya-judge lang sila sa physical appearance mo. And gusto ko i-emphasize sa mga tao na hindi tayo dapat mag-judge sa kaanyuan ng isang tao. Alamin mo kung sino sila, ano ‘yung mga pinagdaanan nila sa buhay.

Kasi minsan ’yung mga tao ’pag nambubully sila, parang gusto lang nila sabihin kung ano gusto nilang sabihin habang hindi nila alam kung ano epekto nito sa sarili nila.”

Asked about the most painful remarks she received from her naysayers, Jessica shamelessly utters, “‘Maganda lang ’yung boses mo, pero ’yung mukha mo, hindi maganda.’

“‘’Uy Jessica mag-ayos ka ng mukha kasi kaya siguro hindi ka nadadala sa mga audition kasi kailangan mong ayusin ’yung appearance mo, di ba sa TV gano’n?’”

Critics thought this would crush Jessica, but it was the other way around.

She says, “Natutunan ko na mahalin lalo ’yung sarili ko kasi ’yung lang naman ’yung kaya nila gawin, i-judge tayo. Hindi naman nila tayo kilala kung sino tayo. Ang importante lang po sa’kin talaga ay kung ano ako, sino ako, kung ano nilalaman ng puso ko. Parang ’di ko na rin mina-mind ’yung mga negative, gusto ko positive lang always.” 


"I wanna be more confident with myself kapag nakatayo ako sa stage kasi no’ng time na nakapag-taping ako parang nahihiya ako sa sarili ko. Confident naman ako pero may konti pa ring hiya."

The power of cosmetic enhancements 

Jessica is proof that feeling inherently loved and worthy comes from within. That's why when the idea of undergoing enhancements came up, she had her reservations.

Pinag-isipan ko po siya nang matagal kung gagawin ko siya o hindi kasi noon pa man kahit nasa isip ko na gusto ko kahit no’ng high school pa ko, naisip ko na rin na gusto ko pero not really one hundred percent gusto ko talaga kasi, siyempre, maiiba ’yung mukha mo. Dapat buo ’yung loob mo na gagawin mo ’yun kasi hindi ’yun madali, e.”

Eventually, Jessica said “yes” to it. Her reason? It was not a defiant response to her bullies, but a way to improve herself.

“I wanna be more confident with myself kapag nakatayo ako sa stage kasi no’ng time na nakapag-taping ako parang nahihiya ako sa sarili ko. Confident naman ako pero may konti pa ring hiya.

“So ginawa ko siya kasi gusto ko maging confident, gusto ko maging presentable kasi ’yung work ko ngayon, ’yung camera nasa harap ko e. Kahit noon kapag zinu-zoom ’yung mukha ko, parang nahihiya ako.”

In a separate interview, Vicki Belo the woman behind Jessica's beautiful transformation, sheds light on the procedures Jessica underwent: rhinoplasty, blepharoplasty, and fat grafting.

Mobirise

The founder and medical director of Belo Medical Group shares, “Jessica is very sincere and she’s a very determined girl to have it done and what she wanted lang initially was to have her nose done pero tiningnan ko siya, sabi ko, ‘Alam mo Jess, kailangan natin ng konting enhancement sa mata mo kasi medyo sad ’yung mata kasi hindi masyadong mahaba ’yung upper lid, parang heavy. So you would look more bright-eyed and your eyes are pretty, lalabas more kapag ginawa natin konti. And the other thing that I noticed about her is she’s very payat, so alam mo ’yung skeletal, walang taba. And it’s really much nice kapag may konting taba ’yung face.”

Vicki enhanced Jessica’s cheeks through fat grafting, a surgical process by which fat is transferred from one area of the body to another area.

The celebrity doctor explains, “In her case, maganda ang bone structure n’ya kaya lang lubog ang kanyang cheeks so if we put a little fat on her cheek, magiging oval and that’s what I did and I’m very happy with the result dahil mukhang natural na natural. It still looks her but a much prettier version.”


“I really feel great and happy sa naging resulta ng enhancement ko and ngayon feeling ko ang ganda ko. Parang ‘di na ko nako-conscious sa camera 'pag nagpi-picture ako."

Upon seeing Jessica’s reaction to the result of her enhancements, Vicki can’t help but feel gratified.

“When I see her now, her smile is different, she’s just bubbly. Kasi parang sabi n'ya ay ‘Maganda na ako’ pagtingin niya sa mirror. I like the way she did it.”

Vicki goes on “So ngayon kapag kumakanta siya, hindi na niya iniisip na kung nakikita ng tao na pango ang ilong niya, kung dyina-judge siya kasi hindi siya maganda. Ngayon I think she’ll be a better performer kasi mas komportable na siya sa sarili niya.”

Likewise, Jessica is very much satisfied with her new look as it made her more confident, happier, and braver.

She exclaims, “I really feel great and happy sa naging resulta ng enhancement ko and ngayon feeling ko ang ganda ko. Parang ‘di na ko nako-conscious sa camera ‘pag nagpi-picture ako kasi noon parang nahihiya kasi ako.

No’ng nag-taping ako for AOS, ’di ako nagte-take ng pictures kasi kailangan kong i-anggulo ’yung mukha kung saan ako maganda pero ngayon, feeling ko kahit anong anggulo parang ang ganda ko. Ang saya.

Following her inspiring transformation, Jessica gives a piece of advice to those who have been victims of body-shaming.

Jessica says, “I believe meron tayong kanya-kanyang talent na binigay sa ’tin ng Panginoon, mag-focus lang kayo do’n and walang masamang i-improve ’yung sarili n’yo. Walang masama kung may gusto kayong ibahin sa sarili n’yo and if it makes you happy, gawin n’yo pero gusto ko sana i-remind sa lahat ng nabu-bully na huwag i-mind ’yung mga negative na sasabihin ng ibang tao kasi hindi naman talaga importante ’yung panlabas na kaanyuan kasi it’s yourself, e."

“So be confident and always pray to God if you feel like you’re so down, like ’pag feeling mo walang nagmamahal sa ’yo, tawag ka lang sa Panginoon.” 


“Natutunan ko na mahalin lalo ’yung sarili ko kasi ’yung lang naman ’yung kaya nila gawin, i-judge tayo. Hindi naman nila tayo kilala kung sino tayo. Ang importante lang po sa’kin talaga ay kung ano ako, sino ako, kung ano nilalaman ng puso ko."

‘Ako Naman’

With what’s happening in her life right now, it is just fitting for Jessica to release her victory song in The Clash titled “Ako Naman,” which was written by Christian Bautista, as her debut single under GMA Music.

Simple lang buhay ko dati e, parang kanta-kanta lang. Ngayon, may kanta na ’ko, may contract ako so I’m very happy and excited po sa mga nangyayari po sa buhay ko and kung ano pang plano sa’kin ng Panginoon and ano pa mang challenges na darating sa buhay ko so I’m super excited, super grateful po sa opportunity po sa’kin ng GMA,” Jessica states.

For the Cebu native, “Ako Naman” is the perfect song to describe her colorful life.

“Actually po no’ng binigay sa’min ’yung kanta, ’tsaka prinactice ko siya, ’yung mga lyrics, may ibang part na parang na nare-relate ko siya sa self ko, sa journey ko no’ng before ako sumali hanggang nanalo ’ko.

Meron do’n na parang ‘Kay tagal ng aking hinintay makamtam lamang ang tamis ng tagumpay,’ ’yung part na ’yon parang ang tagal ko ring naghintay, e, na mangyayari ’to sa buhay ko na makasali ko sa isang malaking kompetisyon kasi ang dami ko ngang pinagdaanan.”

She then adds, “Minsan nga kinukuwenstiyon ko si God, e, ‘Ano bang kailangan kong gawin para makapasok ako, para makakanta ako sa gano’n?’ Parang naiisip ko nawalan na rin ako ng pag-asa. Parang ang tagal ko nang naghintay bago ko nakamit. And may part do’n na parang ‘Marami akong iniwanan upang makarating kung nasa’n ka man,’ na nakaka-relate rin ako do’n kasi may iniwanan din ako sa Cebu, umalis ako sa work ko. Sobrang nakaka-relate ako sa kanta. Parang ‘Ako Naman,’ ako naman ’yung mahalin n’yo.’”

“Ako Naman” is indeed a declaration that anything is possible with hard work, dedication, and a grateful heart.

 “Kung made-describe ko po ’yung journey ko parang lahat ginawa ko, e, bago ako nakapunta kung nasaan man ako ngayon.

“I really worked hard for it kahit marami rin akong pinagdaanan. ’Yung nasa isip ko parang naging successful din po ’yung mga plano ko sa sarili ko, kahit sa mga pinagdaanan ko sa buhay, parang ’di ako makapaniwala na kaya ko, kaya ko ’yung mga failures, nakaya ko ’yung mga paghihirap na napagdaanan ko.

“I’m so grateful lang na narating ko kung nasaan man po ako ngayon,” Jessica concludes.



Embrace the spotlight, Jessica. It’s yours. You deserve it.


"Hindi tayo dapat mag-judge sa kaanyuan ng isang tao. Alamin mo kung sino sila, ano ‘yung mga pinagdaanan nila sa buhay."