how to build your own website for free

ANDREA TORRES

WOMAN OF STRENGTH

Having experienced exhilarating highs and devastating lows in her personal and professional life, Andrea Torres has learned to live life with a careful combination of strength, patience, and tenacity. 

Text by: Marah Ruiz
Photos by: andreatorres (IG)

Here’s a little known fact about Kapuso actress Andrea Torres: she loves powerlifting. At one point, she even can lift up to 150 pounds.

She even considered competing after getting constant compliments about her form.

“Nagustuhan ko ’yung pakiramdan na babae ka tapos strong ka. Noong nagdyi-gym po ako noon, maraming nagugulat na ganoon kalaki ’yung nabubuhat ko,” Andrea shares in an exclusive interview with GMANetwork.

That was until a painful back injury in 2016 sidelined her. Admittedly, she was lifting more than her own body weight at that time.

“Ang mali ko po doon, umabot ng one week straight na max[imum] weight ’yung binubuhat ko. Noong sixth day na pagbuhat ko, may nag-snap na and alam kong iba na ’yun. Parang iba ’yung feeling, iba rin ’yung tunog,” she recalls.

Instead of giving up the sport she has come to love, Andrea worked on bouncing back. With the help of a physical therapist, she worked on strengthening her core and even tried all possible ways to relieve her back of stress.

“Dinaan ko na lang talaga sa kung ano ’yung kaya kong i-control. Ginawa ko po talaga lahat. Talagang araw-araw akong nagpapa-therapy din. Mayroon pa silang kinakabit sa akin na parang electric, something na ikinakabit sa likod ko. Basta lahat po ng ways talaga ginawa ko,” she says.

In 2018, two years after sustaining her injury, Andrea was able to successfully go back into powerlifting albeit with some adjustments.

“’Yun na lang ’yung inisip ko kasi parang ganoon ako lagi. Kapag may nangyayari sa akin, lagi kong iniisip may reason ’to eh, may purpose ’to. ’Yun na lang ang ginawa ko--tinulungan ko na lang ’yung sarili ko,” she muses.

This display of strength, patience, and perseverance seems to be a pattern in her life. 

Strength in Tenacity

Andrea has always dreamed of being an all-around artista since she was a little girl. But the fulfilment of this dream did not come easy for her.

“Wala akong ibang inisip ever since six years old ako kundi gusto kong mag-artista. Nakikita na rin sa mga actions ko eh. Kapag naglalaro ako, gusto ko ’yung ginagaya ko sa TV ’yung mga nagho-host, mga sumasayaw. Ayoko ’yung nagkakamali ako. Kahit nasa gitna na ako noong story noong nilalaro ko, ’pag nagkakamali ako, inuulit ko ’yun sa umpisa. Kung iisipin mo, parang taping din ’di ba? Kapag hindi perfect ’yung eksena kailangan mo siyang gawin ulit,” she narrates.

Extracurricular activities in school served as the outlet for Andrea’s creativity.

“Sa school, very active ako. Kahit ’yung mga pagbabasa ng gospel sa mass, ako ’yung gumagawa noon. Nag-lead ako ng isang cheering competition. Ako ’yung leader doon sa klase namin kahit hindi naman ako flexible talaga. Wala naman akong alam sa ganoon, talagang ni-research ko lang. Gusto ko lang talagang masama sa mga events sa school. And, of course, sa mga school play, [sumasali rin ako].”

She was also very diligent in attending various auditions. One of the most memorable for her was an audition for a burger commercial.

“Unang una, hindi ako marunong ngumiti nang kasama ’yung mata. Inaral ko rin ’yun eventually kasi ’pag ngumingiti ako noon, naiiwan ’yung mata ko. Maiiwan din ’yung shoulders ko. Noong pinakain nila ako ng burger, siyempre kailangan itataas mo ’yung shoulders mo, sasabihin mo masarap. After ko sabihing masarap, naiwan na ’yung shoulders ko naka-lift!” she recounts.

Andrea ended up not getting the part.

“Hindi ako nakuha. Actually, hindi ako nakuha for years. ’Yung unang ‘yes’ ko, kailangan kong kulitin ’yung agent ko noon. Totoo bang ‘yes’ kasi parang nasanay na ’kong ‘no.’ Para bang hindi na rin ako ’yung apektadong apektado dahil parang normal na siya sa akin,” says Andrea. 

Mobirise

“Wala akong ibang inisip ever since six years old ako kundi gusto kong mag-artista. Nakikita na rin sa mga actions ko eh. Kapag naglalaro ako, gusto ko ’yung ginagaya ko sa TV ’yung mga nagho-host, mga sumasayaw.” 

However, attending auditions boosted her confidence and served as a learning experience for her.

“For years ganoon eh, VTR ako, hindi ako natatanggap. Basta VTR lang ako nang VTR. Nakatulong din po kasi kaka-VTR ko, parang nasasanay na ako. Eventually, siguro dahil nga doon, nakakuha na rin ako ng first ever project ko kasi nga kahit papano nakakapag observe ka rin doon sa ibang nagvi-VTR,” she claims.

To put her foot in the door of show business, Andrea worked as an extra for various productions.

“Naging passersby din ako. Siyempre wala kaming standby area talaga. Naalala ko, sabi ng parents ko na umuwi na lang daw ako. Sila na lang daw ang magbabayad ng TF (talent fee) ko. P500 ’yung TF that time. Ayoko talaga! Kahit na tapos na ako nag-stay pa ako doon sa set kasi gusto ko lang nanonood. Gusto ko lang nakikita sila and gusto ko lang matuto talaga para malaman kung ano 'yung pwede kong i-apply naman kapag nag-artista ako or kapag nag-audition ako,” she recounts.

Her parents have always been supportive of her artista dreams, especially her mother Emi who would accompany her to tapings, guestings, and various gigs even to this day.

Andrea admitted feeling guilty over her mom’s devotion to her showbiz dreams, especially during the time her career was taking too long to take off.

“Alam ko sa sarili ko talaga na gusto ko. Hindi naman nawala sa akin ’yung hunger ko eh. Hindi nawala sa akin ’yung gusto ko talagang subukan. Pero mayroon talagang hiya kasi noong time na ’yun, binibilhan niya 'ko ng mga damit, pinapa-makeup-an niya ako kung kinakailangan, pinapaayusan niya ako. ’Yung kinikita ko, ’yung suweldo ko, kulang pa sa kung ano ’yung nabili niya for me para ma-pursue ko ’yung dream ko,” Andrea says of her mother. 

Mobirise

By the time she reached the age one would typically go to college, Andrea decided that she needed a backup plan. Around that same time, she finally landed a regular show.

“Noong medyo college na ako, medyo wala pa pong nangyayari. Sabi ko baka kailangan mag-isip na rin ako ng iba kasi siyempre tumatanda na ako. Kailangan may direksiyon ’yung buhay ko. Sumakto rin naman po. Siguro ’yun ang sagot ng Diyos sa akin na kung kelan magsa-start na po akong mag-college, binigyan na niya 'ko ng regular show which is ‘Ka-Blog!’ sa GMA. I took it as a sign na puwede ko pang i-try.”

Andrea then became a working student as she juggled Communication Arts studies at the University of Sto. Tomas and being one of the hosts of the youth infotainment show Ka-Blog! which ran from 2008 to 2010.

"Since nakuha ko po ’yung ‘Ka-Blog!’ sabi ko magko-Comm Arts ako kasi ’yun ’yung pinakamalapit sa gusto ko which is pag-a-artista. Pero hanggang second year lang po ako,” she says of her studies.

As things in her budding showbiz career got hectic, Andrea had to make the painful decision to put her studies in the backseat.

“Sinabay ko po siya. After school, nagte-taping ako. ’Yung mga seatmate ko, pinapahiram ako ng mga notes. Wala pang mga Viber noon kasi sine-Xerox ’yung notes eh. Minsan nakukuha ko siya sa gabi, minsan naman sa umaga pupunta ako sa library ng UST. Doon pa lang ako mag-aaral tapos sa hapon, ’yun na ’yung quiz. Talagang time management lang talaga. Totoo ’yung sinasabi nila na ’pag gusto mong gawin, mahahanapan mo siya ng paraan. Nag-stop lang po ako noong third year kasi mayroon nang mga group work. Nahiya po ako sa group mates ko, nag-a-absent ako. Feeling ko hindi fair. Doon po ako tumigil,” Andrea recalls.

She still plans to continue her studies as she wants to do her dad proud and present him with a diploma.

“Isa ’yan sa mga nasa listahan ko kasi siyempre ’yung daddy ko po, professor. Never naman niya 'kong pinressure pero siyempre alam ko naman na magpapasaya sa kanya na makabigay ako ng diploma so gusto kong ma-achieve ’yun.” 


“Alam ko sa sarili ko talaga na gusto ko. Hindi naman nawala sa akin 'yung hunger ko eh. Hindi nawala sa akin 'yung gusto ko talagang subukan.” 

Strength in Reinvention 

Andrea’s big break came in the form of Sana ay Ikaw na Nga, a 2012 afternoon drama where she landed the lead role.

“Noong pumasok ako sa GMA, host po ako noon and very vocal ako sa kanila na kaya ako pumapasok sa ‘Ka-Blog!’ kasi gusto kong maging artista, gusto ko makita na ’ko ng mga boss sa GMA. ’Yung pinaka break po talaga na sinuwerte na akong magkaroon ng medyo sunud-sunod na commercials, ’yun na po ’yung may nag-reach out sa akin na mga managers from GMA din, noong na-bless na po ako ng Sana ay Ikaw na Nga. Tuluy-tuloy na po from there,” she says of her first few projects in the network.

Andrea went on to have lead roles in such shows as romantic comedy With a Smile in 2013, drama fantasy Ang Lihim ni Annasandra in 2014, and afternoon drama The Millionaire's Wife in 2016.

But it was her turn as the love interest Venus in the 2016 primetime action series Alyas Robin Hood that became her “breakout” role.

“’Yun po ’yung kino-consider ko na parang big break ko talaga. I guess mas nagkaroon ng recall sa kanila kung sino ako and mas naging interested siguro sila.” Andrea says.

The femme fatale role is also one of her favorites.

“Isa po ’yun talaga sa memorable sa akin na story and role. Favorite ko talaga siya kasi in-embrace ko siya nang husto. I guess dahil na-pressure po ako na primetime ’to. If hindi ko galingan, baka last ko na and parang opportunity talaga na mas makilala ako ng mga tao.

“Kahit na walang taping, nagsha-shopping ako for Venus, kung ano pang puwede kong ipasuot sa kanya or idagdag sa character niya. Grabe rin akong magbasa ng script noon. Parang wala kang day off talaga. Hindi mo mafi-feel na may day off ka kasi sobra kang invested sa character. Isa ’yun sa mga gusto kong roles talaga eh. Parang assassin kasi siya doon at the same time, gray din ’yung character niya. Para siyang nagsusungit pero maaawa ka rin sa kanya,” Andrea adds. 

Mobirise

Another one of Andrea's favorites is her LGBTQIA+ character Cindy in the made-for-web romantic comedy series BetCin. The show pairs her with her first ever leading lady, Kylie Padilla. They play a social media celebrity couple who for their many followers seem like they have the perfect relationship.

“Naging malapit din sa akin si Cindy kasi ito naman, kikay na may pagka loka-loka. Medyo loud siya talaga eh, pero makaka-relate ka rin sa kanya. Maiintindihan mo rin talaga ’yung puso niya kaya excited na excited talaga akong mapanood nila kasi very proud kami ni Kylie doon sa project. Also, first time ko rin na magkaroon ng leading lady. Ang dami kong mga first doon sa BetCin,” she reveals.

Andrea said that she had no hesitation when the project was presented to her as she immediately fell in love with the story.

“Actually, ‘yes’ ako kagad. First ten minutes pa lang, summary pa nga lang ’yung nababasa ko, wala pa 'kong alam kung sino ’yung partner ko. Wala pa akong details talaga, nag-yes na ako kasi na-in love ako sa script. Nagustuhan ko kung ano ’yung pinaglalaban din nila doon sa materyal. Ang ganda lang noong pag-represent nila sa love story ni Beth at Cindy na you will root for them. Makikita mo dito na pare-pareho lang tayong magmahal lahat. Ma-a-appreciate mo sila. Ma-a-appreciate mo rin ’yung fact na tina-tackle din kasi nila ’yung social media eh. Feeling ko marami rin sa atin ’yung parang makakakuha ng aral doon sa epekto ng social media sa buhay natin ngayon,” Andrea says.

Part of the reason she readily took on the role is because she loves playing roles that most would consider unexpected or off-kilter.

“Gustong gusto ko talaga. Noong tinanong ako kung anong limitations ko, sabi ko wala. Na-enjoy ko talaga ’yung buong process ng paggawa noong BetCin kahit na ibang iba siya sa usual ko. ’Yun naman din po talaga ’yung pinagdadasal ko na sana ’yung mga roles ko iba-iba. Gusto ko nga rin pong magkaroon ng role na hindi ako ayos, ’yung wala akong makeup, hindi ako naka-blower. Gusto ko rin magkaroon ng role na killer ako. Gusto ko magkaroon ng role na medyo addict ako, ’yung makita nila kong nagta-transform. Very grateful po ako dito sa project na ’to.”  

The most challenging role for Andrea was the dual lead role in the 2019 primetime drama The Better Woman, where she played twin sisters.

“Mahirap siya pero very fulfilling, ’yung The Better Woman po. Although nakapag-play na po ako ng dual role before, actually noong Sana ay Ikaw na Nga po umabot pa sa tatlo, pero ito kasing The Better Woman, mas malalim ’yung pinaghuhugutan nong dalawang karakter. Dumating ’yung point na pareho na silang galit, pareho na silang nag-iiyakan, pareho na silang sinasaktan ’yung isa’t isa,” she says of her two roles in the show.

Shooting certain scenes was also a technical challenge because she had to switch from one character to another.

“You have to do it a minimum of four times per scene kasi siyempre close up muna, then magbabago ka ulit ng look. Then wide shot, balik ka ulit, magbabago ka ulit ng look. Talagang na-push po talaga ako doon pero lagi akong umuuwi sa bahay na parang ang sarap ng pakiramdam na nakatapos ka ng ganoon karaming eksena. Everytime na pinapanood ko, nag-times two din ’yung pagka-proud ko kasi very challenging siyang gawin.”

Aside from dramatic roles, Andrea also has a lot of fun doing comedic shows. That’s why she was ecstatic to be part of Bubble Gang, the longest running gag show in the country.

“Siyempre po nakakakilig kasi nanonood din ako ng Bubble Gang. Kinalakihan ko ’yan eh. Kilala ko silang lahat. May ganoong feeling na parang kinikilig ka, nasa-star-struck ka, hindi ka makapaniwala. Ang laki po ng naitulong sa akin noong show kasi talagang mawawala ’yung hiya mo. Mahahawa ka sa kanila. Very kalog sila,” she says of the show.

She is also very glad to be able to work with Kapuso comedy genius Michael V.

“Si Kuya Bitoy, lagi niya kaming ine-encourage na magbigay ng suggestions sa mga skit, kung paano pa mapapaganda ’yung skit. Lalabas talaga ’yung pagiging kalog mo. Na-apply ko rin siya pati sa mga interviews, pati sa regional shows. Before talaga parang nag-o-overthink ako. Kinakabahan ako talaga, nakakain ako ng kaba ko. Pero because of Bubble Gang, medyo nag-loosen up talaga ako,” she says.


“Mahirap siya pero very fulfilling, ’yung The Better Woman po. Although nakapag-play na po ako ng dual role before, actually noong Sana ay Ikaw na Nga po umabot pa sa tatlo, pero ito kasing The Better Woman, mas malalim ’yung pinaghuhugutan nong dalawang karakter."

Andrea has been blessed to work with many people and has received tons of career advice, but one of her most cherished is from award-winning actress Ms. Jaclyn Jose.

“Sobrang dami kong nakahalubilo sa bawat soap ko na talagang nagbigay sa akin ng advice. ’Yung talagang ’pag kinausap mo, lalong lalaki ’yung pagmamahal mo sa trabaho. ’Yung medyo constant talaga na palagi kong nakakausap si Tita Jane, si Ms. Jaclyn Jose. Nanay-nananayan ko siya. Palagi ’yang nagko-comment sa mga ginagawa kong soap. Palagi nga niyang sinasabi sa akin na dapat talaga mahalin mo ’yung character na binigay sa ’yo, mahalin mo ’yung trabahong ibinigay sa ’yo kasi kung ano ’yung nilalabas mo, ’yun din ’yung babalik sa ’yo,” she explains.

Her relationship with Jaclyn gave her an important perspective on her career.

“I always look at my last soap as my audition for my next one. Never akong gagawa ng bagay na half-baked. Kailangan laging nasa likod lagi ng isip ko kung anong mangyayari bukas. Maganda na everytime na lalabas ka, gawin mo ’yung best mo. Maaalala mo rin kasi kung saan ka nanggaling, lahat ng mga pinagdaanan mo. I guess mas vina-value mo rin ’yung mga nabibigay sa ’yo,” says Andrea.

Because of this perspective, she’s learned to embrace and share with others the humbling experiences she had as a newbie in showbiz.

“Nagpagdaan ko ’yan lahat. Naaalala ko may time, nagmo-mall show, ang tanging hiling ko lang may taong makakilala sa akin, maalala ’yung pangalan ko. Dumating sa point na may nakakaalala ng pangalan ko ‘Andrea!’ pero iba naman ’yung last name. Lahat ’yan tatatak sa ’yo kaya ngayon na mayroon kang mga taong sumuporta sa ’yo, may mga taong nagri-reach out sa ’yo, you would do your best na iparamdam sa kanila na na-a-appreciate mo sila nang sobra. Whatever I have now, dahil ’yun sa mga fans na tinuturing ko na ring parang friends and family.”  

Strength in Faith 

Andrea is now one of the most prized talents of GMA Network but still admits to doubting herself at times.

“Hindi naman nawawala ’yun. Kahit ngayon, kahit po nitong Legal Wives and kahit na itong mga paparating, mayroon pa rin ’yung parang kinakabahan ka, ’yung parang iniisip mo, ‘Kaya ko pa ba ’to?’ Lalo na kapag ’yung eksena mabigat, ramdam ko talaga na para akong pinagpapawisan, ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko magandang sign ’yun kasi it just means na pinapahalagahan mo ’yung trabaho mo and you want to do well,” she admits.  


“I always look at my last soap as my audition for my next one. Never akong gagawa ng bagay na half-baked.” 

In times of doubt, she always goes back to the sage advice of her good friend and fellow Kapuso star Rochelle Pangilinan.

“Sinabi niya sa akin ’to noong ginagawa namin ’yung Sunday All Stars. Ito po ’yung first time ko na live na sumayaw na regular talaga, nandoon talaga ’yung kaba na baka magkamali ka. ’Pag nagkamali ka, wala ka nang magagawa, live na ’yun ’di ba? Nakikita ni Rochelle na may ganoon ako, kaming dalawa ni Max (Collins), kaya kami naging mag-bestfriends tatlo. Sabi sa akin ni Rochelle, ‘Mars, isipin mo, ginagawa mo ’to para kay God. Isipin mo, siya ’yung nanonood sa audience.’ ’Yun ’yung laging naaalala ko. Kahit na nasa taping ako, ’pag kinakabahan ako, lagi kong sinasabi para kay God ’yun. Si God ’yung nanonood sa akin. Nawawala ’yung kaba ko talaga kapag iniisip ko ’yun,” she recounts.

Andrea pulls much of her strength from her faith as well.

“Nabasa ko ’to sa isang devotion eh, ‘Deo volente.’ Ibig sabihin daw noon, God willing. ’Yun ’yung laging nasa utak ko ngayon. Lahat ng gagawin ko, kailangan i-offer ko sa taas. At the same time, lahat ng mangyayari sa akin, bigay din Niya. Wala naman akong ginawa na hindi ko in-offer sa Kanya. If things don’t go my way, hindi ako mabilis maapektuhan kasi ang laging nasa isip ko, may purpose ’to kasi kasama ’to sa plan. Alam ko na meron akong direksiyon because solid ’yung faith ko,” she concludes. 


“Kapag may nangyayari sa akin, lagi kong iniisip may reason ’to eh, may purpose ’to. ’Yun na lang ang ginawa ko--tinulungan ko na lang ’yung sarili ko.”