8 semi-finalists ng 'The Voice Generations,' pinangalanan na!

Mula sa 20 na mahuhusay na grupo ng talents, walo na lamang ngayon ang natitirang matibay na teams na maglalaban-laban sa semi-finals ng The Voice Generations.
Sa katatapos lamang na battle rounds, nakapili na ang mga coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Chito Miranda ng dalawang teams na isasalang nila sa semi-finals ng kompetisyon.
Nananatili sa Team Bilib ni Coach Billy ang trio na P3 at ang grupong Fources. Magpapatuloy rin sa kanilang pangarap na maging sikat na singers ang dalawang duo ng Julesquad ni Coach Julie Anne na Mamaland at Music and Me.
Magpapakitang gilas pa ang grupong Fortenors at Vocalmyx ng Stellbound ni Coach Stell sa next round. Pasok na rin sa semi-finals ang girl group mula sa Cebu na Sorority at ang duo na Kris and Cha ng Parokya Ni Chito ni Coach Chito Miranda.
Sino kaya sa walong ito ang aabante sa grand finals?
Kilalanin ang nasabing semi-finalists ng The Voice Generations sa gallery na ito:







