Excited na si Kris Bernal sa kanyang buhay mommy.
Sa kanyang vlogs at Instagram posts, ipinapakita ni Kris ang kanyang pregnancy journey sa unang anak nila ni Perry Choi.
Si Kris ay inilahad ang kanyang pagbubuntis noong March 3 sa isang movie-themed maternity photo shoot kasama si Perry.
Silipin ang pregnancy journey ng first time mom na si Kris:
Ipinagbubuntis ni Kris Bernal ang kanilang unang anak ni Perry Choi.
Ibinahagi ni Kris ang exciting na balita sa publiko noong March 3. Sila ni Perry ay naghanda ng isang movie-themed photo shoot para i-announce na magkakaroon na sila ng anak.
Ayon kay Kris, hindi inaasahan ang kanyang pagbubuntis. Saad niya sa kanyang post, "It happened - we weren't really “trying” but we were blessed with [a] pregnancy! I can still remember I felt a rush of different emotions when the test showed two lines."
Bago pa ito makumpirma ni Kris ay inilahad niyang nararamdaman niya na ang posibilidad na siya ay buntis.
"I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened."
Dahil bago ang pagbubuntis kay Kris, inilahad niya ang mga nararamdaman niya sa kanyang social media posts. Ani Kris, "I can go from being happy one minute to feeling like crying the next. I'm at my most sensitive, I can actually become a great actor."
Sa kanyang second trimester, inamin ni Kris na hindi pa rin siya nakakalagpas sa stage ng morning sickness.
"I'm in my second trimester, but I still experience nausea all day, every day."
Kilala si Kris sa pagiging dedicated sa kanyang fitness routine. Nabago ito ngayong buntis na siya.
Kuwento ni Kris, "If you've been following me for a while, you know that I am a beast at the gym accustomed to heavy lifting and intense workouts. I'm so surprised with my low stamina and my overall lack of energy. Body weight seems to have doubled and I could only manage a few repetitions. Nakakapanibago, parang hindi ako 'to. Lolsss!"
Busy man sa pag-aasikaso si Kris sa kanyang new life bilang mommy, hindi pa rin siya nagpapahuli sa pagpapakita ng kanyang cute outfits.
Sa vlogs ni Kris, idinidetalye niya ang mga pinagdadaanan niya sa kanyang pagbubuntis.
Saksi ang subscribers ni Kris sa bawat checkup at ultrasound sa kanyang pagbubuntis.
Bukod sa hospital visits, ipinapakita rin ni Kris ang kanyang activities as a pregnant mom.
Kitang kita ang glow at saya ni Kris sa new chapter ng kanyang buhay.
Kahit buntis na si Kris ay uma-attend pa rin siya ng events at TV guestings.
Ayon kay Kris, sa April 16 ay ibabahagi na ang gender ng anak nila ni Perry sa kanyang vlog.